Wednesday, November 07, 2007

Bakit...?

Hindi ko maintindihan kung bakit sinasamantala ng karamihan ang aking kabaitan... or... "I can't understand why my kindness to them was always taken for granted."translated by Nikki, peace. Kapag kailangan ng tulong ko, lumalapit sila sa akin. Kapag ako naman ang nangangailangan, halos walang pumapansin sakin. Nilalapitan ko ang aking mga kaibigan kung sila ay walang kasama o feeling lonely o namomroblema sila. Pero kung ako naman yung may problema..., wala lang... dedma... hayaan... Okay lang sakin yun. Basta 'wag nila ako pagusapan sa likod ko nang nalalaman ko. Total, sanay naman akong mag-isa, eh. Sige, go.

Isang magandang halimbawa si you-know-who ng buhay ko, Shaine. Halos naging matalik kong kaibigan siya nung unang taon sa high school. Siya kasi ang una kong nakilala sa aking unang taon. Naging close kami nang ilang linggo. Pero napunta din ito sa awayan. Sinigawan niya ako sa isang klase namin sa Science & Technology. Akala niya kasi ay kasama ako sa iuusog ang upuan kaya siya sumigaw. Edi sinigawan ko rin kasi 'di naman niya kailangang sumigaw, eh. Dun sa araw na yun ay napaghulo ko na siya ay plastik kasi inuutus-utusan niya ako at humihingi ng tawad para sa nangyari... nang parang pagalit.

Noon namang clearance signing sa unang taon ay may kailangan kaming bayaran sa utang namin sa pagpophotocopy. Umabot yata yun sa limang libo o tatlong libo. Para mapirmahan ang aming clearance sa photocopy, kailangang mabayaran yun. Naisip kong bayaran na lang ito upang hindi na mapatagal ang pagpapapirma. Nang bayaran ko iyon. Akala ko naman ay magpapasalamat sila. Pero hindi... "Ba't mo binayaran? Eh mangongolekta nga!" sabi ng isa. Ganun din ang sambat nung iba. Matapos iyon ay hindi ako binayaran ng mga walang'ya kong mga kaklase. Yung iba nagbayad. Wala akong paki sa mga bayad nila. Nadismaya lang ako kasi wala man lang nagpasalamat sakin.

Pinagbibigyan ko lahat ng aking naging kaklase sa kanilang mga paguuto sakin. Alam ko namang nambobola lang sila eh. Kaya ko lang tinutupad ang kanilang mga gustuhin ay dahil para hindi ako maging bad-shot sa kanila. Ako yung taong ayaw mawalan ng kaibigan kapag sila ay nasa akin na. Pero bakit ganun? Nasosobrahan na ata ang pananamantala nila... Tapos nagiging mabait na nga ako kahit galit ako sa kanila pero binabara nila ako.

Ayan... nailabas ko na ata yung lungkot ko pero lumala yata... hanggang sa susunod na post. Evan-esco?

3 comments:

NikKi said...

ui.. sori naman. lab naman kita ee. alam mo na un lab as in friend na lab na hindi katulad ni.. ahmm.. basta! kilala mo na yun! yaan mo un c shaine,ililitson dn natin un one tym. SALAMAT! AND I ASSURE YOU, I'LL NEVER "TAKE YOU FOR GRANTED"! woohoo!! ahaha. c u tomorrow! alam ko may reaxon ka dito! bwahaha! tagalog na tagalog ung post mong un ha!!

Than-than said...

^_^ i understand your sutuation because im on your situation now mostly at my classmate/bandmate~

sakin now i feel that im a loner and emotional,because why some of my classmate are too sensitive *nasagi nila aku,nagalit agad sila sa reaction ku asi sabi ku "ok lang"[not mad,not sad,no reaction]*

at my classmate,dahil sa sobrang kabaian,sinasamantala na...kasi lagi na lang inuutusan,nilalait/kinukutsya at most of it,sa room namin "hatred" siya *mabait sa harap,masama sa likod*

Julysse Dominique Merle said...

aww. shit i miss u blogging. hindi mo to mababasa. LOL. inis eh. :)) ang weird ko pala dati magcomment. Rakenrol? :p